Malakihang oil price hike ang sumalubong sa ikalawang linggo ng Enero 2025.
Ito’y ayon sa inilabas na abiso ng iba’t ibang kumpanya ng langis kung saan sa diesel aabot sa ₱1.40 kada litro ang itinaas ng presyo nito.
Habang sa gasolina at kerosene ay piso naman sa kada litro ang itinaas.
Matatandaang sinabi na ng Department of Energy ang nasabing oil price increase kung saan patuloy na nakakaapekto sa presyuhan nito ay ang mataas na demand ng iba’t ibang malalaking bansa ganun din ang patuloy na pagbaba ng produksyon ng langis ng mga oil producing countries. | ulat ni Lorenz Tanjoco