Target ng Marcos Administration na pagsapit ng Marso ngayong taon, maikayat pa sa 700 ang bilang ng Kadiwa ng Pangulo Centers sa buong bansa.
Ang mga Kadiwa Store ay ang proyekto ng pamahalaan na direktang maibenta ang ani ng agri sector sa mga consumer sa mas abot-kayang halaga, kumpara sa merkado.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Agriculture Asec Arnel de Mesa na bago matapos ang 2028, nasa 1,500 na ang kabuuang bilang ng Kadiwa ng Pangulo sites sa buong bansa.
“Sa ngayon ang target natin by March ay magkaroon na tayo ng 700 na Kadiwa ng Pangulo Centers at inaasahan natin bago matapos ang 2028 ay nasa 1,500 ang total number ng Kadiwa ng Pangulo sites sa buong bansa.” —Asec de Mesa.
Kaugnay naman sa suplay ng Nutri at Sulit Rice o iyong mga mas murang bigas na magiging available na rin sa Kadiwa Centers ngayong Enero, tiniyak ng opisyal na matatag ang suplay nito. | ulat ni Racquel Bayan