Nadagdagan pa ang bilang ng fireworks related injuries na naitala sa East Avenue Medical Center kasunod ng pagsalubong ng 2025.
Sa tala ng ospital, umakyat pa sa 30 ang bilang ng mga pasyenteng naputukan na dinala sa ospital.
Mas mataas na ito kumpara sa naitalang bilang ng kaso noong pagsalubong ng 2024 na umabot sa 24 at noong 2023 na isang kaso lamang.
Kaugnay nito, 14 ang kasong nadagdag pagpatak ng Jan. 1, 2025 kung saan karamihan ng mga biktima ay mga menor de edad.
Karaniwan namang tumama sa mga naisugod sa ospital ay ang ipinagbabawal na paputok na five star na sinundan ng boga, kwitis at whistlebomb. | ulat ni Merry Ann Bastasa