Pumalo na sa mahigit tatlong milyong katao ang namonitor ng pamunuan ng Parañaque integrated Terminal exchange o PITX na dumagsa sa nasabing terminal.
Ayon kay Kolyn Kalbasa, ang Corporate Communication Officer ng PITX, karamihan sa nasabing bilang ay pawang mga pasaherong mula sa kanilang bakasyon sa probinsiya nitong nakalipas na holiday season.
Inaasahan din ng PITX ang dagsa pa ng mga pasahero hanggang ngayong araw na posible umanong umabot sa 170K pataas.
Nanatili naman nakabantay ang PNP sa paligid ng terminal upang matiyak ang siguridad at kaligtasan ng mga manglalakbay. | ulat ni Lorenz Tanjoco