Bilang ng mga walang trabaho sa bansa, muling bumaba noong Nobyembre — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naitala ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang muling pagbaba ng unemployment rate o bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Nobyembre ng 2024.

Batay sa pinakahuling labor force participation survey ng PSA, bumaba sa 3.2 percent ang unemployment rate nitong Nobyembre mula sa 3.9% noong Oktubre.

Katumbas ito ng 1.66 milyong Pilipino na walang trabaho.

Kaugnay nito, tumaas rin ang bilang ng mga employed na nasa antas na 96.8% o katumbas ng 49.54 milyong may trabaho o negosyo.

Mas mataas ito sa naitalang 96.1% employment rate noong Oktubre at 96.4% noong Nobyembre ng 2023.

Maging ang underemployed o mga manggagawang hindi napapasweldo ng sapat, at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan ay bumaba rin sa 10.8%.

Kabilang naman sa mga trabahong nakaambag sa mataas na employment rate ang mga service and sales workers na may dagdag na higit 600, 000; elementary occupations; plant and machine operators and assemblers; craft at related trade worker at clerical support. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us