Kinansela ng Monetary Board ang lisensya ng Etranss International Remittance Corporation.
Sa inilibas na Resolution No. 1148, kinansela ng BSP ang nasabing corporation ng kanilang Certificate of Registration to Operate as Remittance and Transfer Company with Type “A” Remittance Agent with Virtual Currency Exchange service.
Ang desisyon ng BSP ay dahil sa paglabag ng kumpanya sa inamyendahang (BSP) Circular No. 1108, series of 2021, ukol sa Section Manual of Regulations for Non-Bank Financial Institutions (MORNBFI).
Para sa taong 2024, umaabot sa anim na money service business (MSB) ang binawian ng lisensya ng Bangko Sentral.
Tiniyak naman ng BSP ang kanilang patuloy na pagbabantay laban sa mga non-compliant at nakitaan ng financial misconduct sa sektor ng pananalapi. | ulat ni Melany Reyes