Bulkang Kanlaon, 5 beses nagbuga ng abo — PHIVOLCS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Limang beses pang nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros sa nakalipas na 24-oras, ayon yan sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng lima hanggang 116 na minuto ang naitalang aktibidad.

Naiulat din ang 27 volcanic earthquakes sa bulkan kabilang ang siyam na volcanic tremors.

Nagpapatuloy rin ang makapal at walang patid na pagsingaw sa bulkan na umabot ng 300 metro ang taas.

Habang bumaba sa 4,861 tonelada rin ang inilabas nitong sulfur dioxide flux.

Sa ngayon, nasa ilalim pa rin ng Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us