Tatlumpu’t pitong minutong nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros kaninang madaling araw.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ng Lower Masulog (VKLM) Thermal Camera sa Canlaon City ang footage ng pagbuga ng abo mula sa crater ng bulkan dakong alas 12:37 hanggang ala una ng madaling araw.
Lumikha ito ng plumes na may taas na 200 metro at tinangay ng hangin papunta sa direksyon ng Timog- Kanluran.
Kahapon, nagbuga din ng abo ang bulkan at nagtala ng 12 volcanic earthquakes kabilang ang isang (1) volcanic tremor na tumagal ng limang (5) minuto.
Babala ng PHIVOLCS, mataas pa rin ang aktibidad ng bulkan at nanatiling nakataas sa Alert Level 3 ang status nito. | ulat ni Rey Ferrer