Patuloy pa rin sa pagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands.
Batay sa pinakahuling ulat ng PHIVOLCS sa nakalipas na 24 oras, aabot sa 27 volcanic earthquake ang naitala sa bulkan at 5,840 tonelada ng sulfur dioxide flux ang ibinuga kada araw.
Nakitaan ito ng pagsingaw ng hanggang 750 metro taas at napadpad sa hilagang -kanluran at kanluran sa paligid nito.
Nanatiling nakataas ang alert level 3 sa bulkang Kanlaon at patuloy na nagpapakita ng mas mataas na aktibidad mula nang pumutok noong Disyembre 9, 2024.
Batay sa ulat,12,043 pamilya o 46,256 indibidwal ang apektado na ng pag aalburoto ng bulkan
Sa kabuuang bilang, 4,387 pamilya dito o 14,321 indibidwal ang nasa evacuation centers. | ulat ni Rey Ferrer