CAAP, naglabas ng advisory ukol sa Traslacion ngayong Jan. 9, sa Pista ng Nazareno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na hindi na sila maglalabas ng Notice to Airmen (NOTAM) hinggil sa no-fly at no-drone zones, sa paligid ng Quirino Grandstand at Quiapo Church sa Traslacion, sa Enero 9, 2025.

Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, ang mga lugar na ito ay nasa loob ng RP-P1, isang restricted airspace, kung saan ang parehong lateral at vertical na paglipad ay ipinagbabawal sa loob ng dalawang-nautical-mile radius hanggang 5,500 feet mula sa Palasyo ng Malacañang.

Dahil ang mga hindi awtorisadong flight, kabilang ang mga drone, ay permanenteng pinagbawalan sa restricted zone na ito.

Ang RP-P1 ng Aviation ay tumutukoy sa Restricted Area Philippines-1, isang itinatag na airspace restriction zone para sa mga layunin ng kaligtasan at seguridad.

Binibigyang-diin ng CAAP ang pangako nito sa pagpapanatili ng ligtas at kontroladong airspace, lalo na sa malalaking pampublikong kaganapan tulad ng Traslacion | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us