Caloocan LGU, pinaalalahanan ang mga taxpayer na asikasuhin na ang pagbabayad ng business tax at amilyar

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat na ng Caloocan Local Government ang mga residente na maagang magbayad ng kanilang Business Tax at Real Property Tax para maka-avail pa ng diskwento.

Sa abiso ng LGU, ang mga makakapagbayad ng buo ng business tax bago ang January 20 ay makatatanggap ng 10% discount.

May 15% discount naman ang mga maagang magbabayad ng amilyar hanggang katapusan ng Enero.

Pinadali na rin ng pamahalaang lungsod ang pagbabayad ng buwis na maaari na ring gawin online sa pamamagitan ng G-Cash, Pay Maya, at sa LandBank LinkBiz portal o sa mga sumusunod na lugar:

  • City Treasury Department (Caloocan City Hall-South)
  • Kai Mall 3rd Floor (Caloocan City-North)
  • Metro Plaza (Bagong Silang, Barangay 176
  • Metro Plaza (Quirino, Barangay 186)
  • Zabarte Mall, Camarin

| ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us