Itinuturing na ‘strategic advantage’ ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang itinatayong Metro Manila Subway Project sa Kampo Aguinaldo.
Ayon kay AFP Chief of Staff, General Romeo Brawner Jr., magagamit ng mga sundalo ang naturang istasyon ng subway para sa mas mabilis na pagresponde sa panahon ng emergency.
Makikinabang din aniya ng malaki ang mga sibilyang kawani ng AFP gayundin ang pamilya ng mga sundalong nakahimpil dito.

Kabilang ang AFP Chief sa mga opisyal na nag-inspeksyon sa paglululunsad ng tunnel boring machine kasama ang Department of Transportation (DOTr) at Japan International Cooperation Agency (JICA).

Isa ang Camp Aguinaldo station sa 17 istasyon ng Metro Manila Subway Project (MMSP) mula Valenzuela City patungong Ninoy Aquino International Airport (NAIA). | ulat ni Jaymark Dagala