Ang City Government ng Davao sa pamamagitan ng City Disaster and Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ay nagpasalamat sa mga residente dahil sa kanilang kooperasyon at agarang pagtalima sa preemptive evacuation orders at sa mga safety protocols habang nasa insidenteng pagbaha na nakaapekto sa ibang bahagi ng Davao City noong Sabado ng gabi.
Ayon kay CDRRMO Chief Alfredo Baloran, “Nagpasalamat kami sa mga Dabawenyos sa pagsunod ng ating preemptive evacuation protocols. Ang pagsunod ninyo sa batas ay malaking bagay para ligtas ang lahat sa panahon ng pagbaha.”
Ang malakas na buhos ng ulan na sanhi ng localized thunderstorms na naranasan noong January 4, ay naglikha ng pagbaha sa mga daan sa iba’t ibang bahagi ng siyudad kabilang ang Matina Crossing, Aplaya at Pangi.
Ang CDRRMO ay nag-deploy ng rescue teams, na kinabilangan ng mga BDRRMC, volunteer groups at mga miyembro ng emergency response clusters sa siyudad, at tinulungan ang mga apektadong residente sa paglikas patungo sa mga designated evacuation centers. Ang City Social Welfare and Development Office, City Health Office at City Mayor’s Office ay nag-deploy ng sentro para makapagbigay ng agarang assistance tulad ng mainit na pagkain at medical services.
Ayon sa initial reports, wala namang casualties na na-record.
Sa kasalukuyan, ang CDRRMO ay patuloy sa pag-monitor sa weather conditions at pinayuhan ang mga residente na nasa mga bahain na lugar na mag-alerto dahil sa inaasahang kalat-kalat na pag-ulan sa susunod na mga araw. | ulat ni Nenita Escarpe| RP1 Davao