Clearing Operation, sinimulan na ng MMDA sa paligid ng Quiapo Maynila 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagbabaklas na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga nakahambalang na stalls at nakaparadang sasakyan sa mga kalye na dadaanan ng andas para sa Pista ng Quiapo. 

Ayon kay MMDA General Manager Popoy Lipana, sinimulan na nila kaninang umaga ang paglilinis sa mga kalsada.

Ito ay upang matiyak na walang magiging sagabal sa mga deboto na magtutungo sa Quiapo Church habang papalapit ang araw ng Nuestra Senor Jesus Nazareno. 

Samantala, humingi naman ng paumanhin si Manila Mayor Honey Lacuna Pangan sa pagkakaantala ng paghahakot ng mga basura sa Lungsod. 

Ito ay dahil magpalit sila ng kontraktor ng paghahakot ng basura. Pero kasalukuyang nakahakot na daw ang 80 truck para kolektahin ang mga basura sa buong Maynila.  | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us