Nilinaw ng Social Security System (SSS) na halos kalahati na ng P89 billion na uncollected contribution mula sa deliquent employers na una nang na-flag ng Commission of Audit (COA), ay nakolekta na.
Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni SSS President Robert de Claro, na ang pigurang pinagbasehan sa datos na ito ay noon pang mga nakalipas na taon, kabilang na noong kasagsagan ng pandemiy kung kailan nahirapang magpatuloy sa operasyon ang karamihan ng mga negosyo.
As of October 2024, ang uncollected contributions ay bumaba na aniya sa P46 billion.
“It’s an old COA report that talks about the delinquency of employers from SSS. From that time it was P89 billion. After reconciliation, as of October 2024 that number has gone down to P46 billion and we are constantly working on trying to assess ibang sources nitong discrepancy na’to,” —De Claro.
Sa 2023 COA report, nakasaad aniya ang uncollected premium contributions mula sa delinquent employers kung saan nasa P4.581 billion ang nakolekta noong 2023, na katumbas ng 4.89% ng P93.747 billion collectibles para sa 2023.
“We have a condonation program. And I’ll take this opportunity na may condonation program po tayo during the time of pandemic, kung mayroon pa ho kayong hindi nababayaran sa SSS, pumunta lang ho kayo sa mga branch namin or sa aming head office para ho maupuan natin at maiplano natin kung papaano ninyo masi-settle itong delinquency.” -de Claro
Para ito sa 420,767 delinquent business employers at household employers.
“Continuous ang aming communication dito sa ating mga employers na nahihirapan dahil mayroon silang delinquency. We have a condonation program. And I’ll take this opportunity na may condonation program po tayo during the time of pandemic, kung mayroon pa kayong hindi nababayaran sa SSS, pumunta lang ho kayo sa mga branch namin or sa aming head office para ho maupuan natin at maiplano natin kung papaano ninyo masi-settle itong delinquency.” -de Claro. | ulat ni Racquel Bayan