Kumpiyansa ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na lalagpas pa ng bilyon ang koleksyon ng ahensya sa taong 2024.
Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, inaasahang magkakaroon ng bilyon-bilyong surplus sa koleksyon para sa 2024 matapos ang final reconciliation na nakatakdang ilabas sa unang bahagi ng Pebrero 2025.
Paliwanag nito, ang bilyon-bilyong surplus sa koleksyon ng BIR ay nangangahulugang mas kaunting utang ang kailangang kunin ng National Government para mapanatili ang 2025 Budget.
“This is a win for the Filipino People, and for future generations of Filipinos who will inherit less national debt than the current generation” pahayag ni Commissioner Lumagui.
Matatandaang nakaraang linggo lang ng iulat ni Commissioner Lumagui na naabot ng BIR ang collection goal na P2.848 trilyon, batay sa aprubadong target ng DBCC noong Marso 2024. | ulat ni Merry Anna Bastasa