Puspusan pa rin ang isinasagawang paghahanda ng Comelec Agusan del Sur para matiyak na maayos at walang nang aberya ang 2025 National and Local Elections, sa May 12.
Hindi alintana ng mga personahe ang hirap ng pagpunta sa mga liblib na lugar kahit maulan na panahon para lang maipagpatuloy ang Voter Education and Automated Counting Machine (ACM) Demonstration.
Sinabi ni Agusan del Sur Provincial Election Officer Atty Palanan, mahalagang maisakatuparan ang paglilibot sa ibat ibang munisipyo upang mabigyan ng kaalaman ang mga botante kung paano gamitin ang automated counting machine o ACM, at maipa abante ang kakayahan ng bawat rehistradong botante na makilahok sa darating na halalan sa kabila ng kanilang magiging sitwason.
Nagkaroon rin ng mock election nang sa gayuy mapaghandaan ang kaayusan sa darating na halalan at matugunan ng maaga ang suliranin at hamon.
Isa rin itong oportunidad para magkaroon ng tiwala sa mga pamamaraan ng wastong pagboto at maging pamilyar sa proseso. | Jocelyn Morano | RP1 Butuan
Comelec AdS