Aabot lamang sa 500-katao ang inaasahan ng Puerto Princesa City Traffic Management Office (CTMO) na sasama sa Traslacion 2025 sa sa lungsod, mamayang gabi.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Palawan kay CTMO Spokesperson Allan Mabela, tinitingnang mag-uumpisa nang alas-6 mamayang gabi ang prusisyon pagkatapos ng misa nang alas-5 ng hapon.
Aniya, manggagaling ang prusisyon sa Taft Street dadaan sa Roxas Street, Manalo Street, Lacao Street, Rizal Avenue, at babalik na sa Immaculate Concepcion Cathedral.
Maituturing din aniyang regular na prusisyon lamang ang gawain mamayang gabi, at wala ring mangyayaring pagdagsa ng mga deboto. | ulat ni Gillian Faye Ibañez, Radyo Pilipinas Palawan
Photos: AVPP Ugnayan – Apostolic Vicariate of Puerto Princesa and CTMO PPC