Sa kabila ng paulit-ulit na paalala ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa publiko na bawal magdala ng mga ipinagbabawal nakagamitan ay madami pa ring nakumpiska ang naturang terminal.
Sa pinakahuling tala ng PITX mula December 20, 2024 hanggang nitong January 1, 2025 umabot na sa mahigit 700 na mga nakumpiskang ipinagbabawal na kagamitan.
Kabilang dito ang mahigit 200 lighter at mahigit 100 bilang ng mga cutter blade.
Kasama din sa nakumpiska ang mga gunting, kutsilyo, itak, butane gas, LPG tank, mga paputok, at kahit ang armas na 5 fingers ay meron din.
Matatandaang una nang sinabi ng PITX na bawal magdala ng mga matatalim na bagay at anumang kagamitan na maaring pagmulan ng apoy. | ulat ni Lorenz Tanjoco