DA at DTI, magtutulungan para tugunan ang tumataas na presyo ng bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sanib-puwersa na ang Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) para gawing mas abot-kaya ang presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., unang hakbang palang ang pagtugon sa presyo ng imported na bigas.

Kasalukuyang binabalangkas na ng dalawang ahensya ang isang maximum suggested retail price (MSRP) para sa imported na bigas nang masigurong hindi mapagsamantala ang presyo nito para sa mga mamimili.

Kasabay nito, pinag-aaralan ng DA ang posibilidad na magdeklara ng national food security emergency.

Magbibigay ito ng kapangyarihan kay Sec. Laurel, na i-release ang mga reserbang bigas ng National Food Authority (NFA) para madagdagan ang suplay at mapababa ang presyo sa merkado.

Samantala, planong repasuhin naman ng DTI ang umiiral na mga regulasyon para sa pagbebenta at labelling ng mga produktong agrikultural, partikular na ang bigas.

Nagkasundo na sina DTI Secretary Ma. Cristina “Cris” Aldeguer-Roque at Sec. Laurel, na magbalangkas at lumagda ng isang memorandum of understanding para mapabilis ang mga hakbang sa pagtugon sa mataas na presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us