Pansamantala nang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng domestic at wild birds mula sa New Zealand.
Ito’y matapos makumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na nagpositibo sa H7N6 strain ng High Pathogenicity Avian Influenza ang domestic birds mula sa nasabing bansa.
Kasama din sa ban sa pag angkat ang mga itlog, day-old chicks, semilya at poultry meat.
Mahalaga aniya ito upang mapigilan ang pagpasok ng virus sa Pilipinas, at mabantayan ang kalusugan ng local poultry population.
Pinasuspinde na rin ni Tiu Laurel ang pagproseso, evaluation at pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearances sa tatlong items na ito mula sa nasabing bansa.
Samantala, papayagan pa na makapasok sa bansa ang mga shipment na nasa biyahe o natanggap na sa mga pantalan bastat kinatay ito bago ang Nobyembre 9,2024.
Inatasan na ang Quarantine authorities na kumpiskahin ang iba’t ibang polutry commodities na nakasaad sa kautusan. | ulat ni Rey Ferrer