Pinuna ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang napakataas na bentahan ng imported rice na abot sa P60 kada kilo na isang indikasyon ng profiteering.
Sinabi ni Laurel na ang mataas na presyo ng imported rice ay lalong nagiging unsustainable para sa mga mamimili.
Maaaring makasira ito sa pagsisikap ng gobyerno na patatagin ang merkado ng bigas habang negatibong nakakaapekto sa kabuhayan ng mga lokal na magsasaka.
Para sa imported rice na 25% broken, sinabi ng kalihim na ang isang kilo ng butil ay hindi dapat lumampas sa P50 kahit na may mga margin na kailangan upang matiyak ang kakayahang kumita ng mga importer at retailer.
Dahil dito,magsasagawa ng isang consultative meeting ang DA sa huling bahagi ng linggong ito kasama ang mga retailer at rice importer para magtatag ng pinakamataas na iminungkahing retail na presyo para sa bigas.
Nilinaw ni Tiu Laurel na hindi ito magiging price cap kundi isang gabay upang mapanatili ang mga presyo sa loob ng makatwirang mga hangganan. | ulat ni Rey Ferrer