Daan-daang illegal alien, arestado sa isang malakihang raid ng BI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Napasakamay na ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang nasa halos apat na daang illegal aliens matapos ang malakihang raid na isinagawa sa lungsod ng Parañaque kung saan target ang isang sinasabing scam operation.

Ayon sa report ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. ang isinagawang raid ay nagbunyag sa mala-POGO na aktibidad ng mga illegal aliens.

Nagsasagawa umano ang naturang mga indibidwal mga ilegal na aktibidad kabilang ang online scam operations kung saan target na biktima ang mga nasa abroad.

Dagdag pa ni Manahan na matagal na nilang minomonitor ang aktibidad ng mga nasabing individwal at ang mga ito ay lumabag sa immigration law at malaking banta sa publiko.

Ayon naman kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na ang naturang raid ay bahagi ng kanilang intensified efforts para labanan ang mga illegal activities at tiyaking ang mga foreign nationals na nakatira sa bansa ay sumusunod sa batas ng Pilipinas.

Hindi rin aniya kukunsintihin ang anumang aktibidad na posibleng maglagay sa panganib sa kaligtasan ng publiko. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us