Sinimulan nang ipatupad sa pagpasok ng 2025 ang dagdag na kontribusyon sa lahat ng miyembro ng Social Security System (SSS).
Alinsunod ito sa Republic Act No. 11199 o Social Security Act of 2018 na nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ilalim nito, mula sa 14% noong 2024 ay itinaas sa 15% ang monthly contribution rate sa taong ito.
Nasa 10% naman dito ay sasagutin ng mga employer habang ang natitirang 5% ay huhugutin na sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Una na ring nag-abiso noong Disyembre ang SSS sa updated SSS Contribution Table nito para maging gabay ng bawat miyembro. | ulat ni Merry Ann Bastasa