Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan muna ang ilang kalsada sa Lungsod ng Pasig ngayong umaga.
Sa Traffic Advisory ng Pasig City LGU, mula alas 7:30 ng umaga, magkakaroon ng prosisyon ng Mahal na Sto Niño na pangungunahan ng Sto. Rosario de Pasig Parish.
Bahagi ito ng tradisyunal na pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Sto Niño taon-taon.
Asahan na umano ang pagbabagal ng daloy ng trapiko sa mga ruta ng prosisyon sa Barangay Rosario.
Kabilang dito ang kahabaan ng Ortigas Extention, Dr. Sixto Antonio Avenue, C.Raymundo Avenue, GSIS Road at West Bank Road.
Pinapayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternate route para hindi maabala ang kanilang biyahe. | ulat ni Rey Ferrer