‘Guilty beyond reasonable doubt’ — ito ang naging hatol ng Sandiganbayan 7th Division kina dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at City Administrator Aldrin Cuña dahil sa kasong katiwalian.
May kaugnayan ito sa higit P32 milyong kontrata sa Online Occupational Permitting Tracking System na ipinatupad nito sa Lungsod Quezon noong 2019.
Sa desisyon ng anti-graft court, kapwa nahatulan sina Bautista at Cuña na makulong ng hindi bababa sa anim na taon at isang buwan pero hindi lalagpas ng 10 taon.
Pinatawan din ang dalawang opisyal ng perpetual disqualification mula sa paghawak ng ano mang posisyon sa gobyenro.
Wala namang ano mang pananagutang sibil ang ipinataw sa mga akusado.
Desidido naman ang kampo ng dating alkalde na maghain ng motion for reconsideration sa Sandiganbayan. | ulat ni Merry Ann Bastasa