DepEd at DOST, magsasanib puwersa para sa pagpapalakas ng Science Education

Facebook
Twitter
LinkedIn

Palalakasin pa ng Department of Education (DepEd) ang Science and Innovation Education sa mga mag-aaral katuwang ang Department of Science and Technology (DOST).

Ito ang inihayag ni Education Secretary Sonny Angara sa isinagawang appointment ceremony sa mga bagong campus director ng Philippine Science High School System.

Paliwanag ng kalihim, nais nilang gawing advance ang science education upang magkaroon ng bagong henerasyon ng mga scientiest at imbentor sa bansa.

Naniniwala si Angara na sa pamamagitan nito, mapauunlad pa ang kalidad ng edukasyon sa bansa dahil nakasusunod na ito sa nagbabagong takbo ng panahon.

Sa panig naman ni DOST Sec. Renato Solidum, sinabi niyang mahalaga ang naturang hakbang upang maging matagumpay ang hangarin nilang mapagyabong ang science and technology gayundin ang innovation culture sa bansa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us