Naniniwala ang Department of Education (DepEd) na hindi hadlang bagkus ay malaki pa ang maitutulong ng Artificial Intelligence (AI) sa pag-aaral ng mga estudyante
Ito ang tinuran ni DepEd Chief-of-Staff Undersecretary Fatima Lipp Panontongan, sa katunayan ay sinasama na rin ng DepEd ang AI sa pagtuturo sa tulong na rin ng iba’t ibang education partner.
Gayunman, sinabi ng opisyal na dapat matiyak na magiging responsable at ethical ang paggamit ng bagong teknolohiya sa mga paaralan.
Mahalaga aniyang maturuan ang mga Generation Z hanggang Beta gayundin ng mga susunod na henerasyon sa paggamit ng AI, at maipaunawa na pinalalakas nito ang ‘human potential’ at hindi layunin na palitan ang mga tao. | ulat ni Jaymark Dagala