Digitalization ng public school system, isinusulong sa Kamara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinutulak ngayon ni Representative Brian Yamsuan ang mabilis na pag-apruba sa House Bill 276 o Institutionalization of Digital Technology in Public Education Act.

Sa ilalim nito, paglalaanan ng ₱500-million ang digital transformation ng public school system ng bansa.

Tinukoy niya na noong pandemya, naging tulay ang digital technology para maipagpatuloy ang pag-aaral sa kabila ng lockdowns.

Gayunman, wala aniyang ganitong kakayanan ang public schools, kung ikukumpara sa mga pribadong paaralan.

Kaya naman kung walang face-to-face classes, ay module ang kanilang gamit.

Napapanahon din aniya ito ngayong naglabas na ang Department of Education (DepEd) ng bagong panuntunan sa kanselasyon ng klase kapag may bagyo.

“…Today, even without a crisis, digital technology has proven to be a must in facilitating learning inside and outside the classroom…unfortunately, not all our public schools have the necessary tools to shift to online learning. The government needs to invest now in institutionalizing the digitalization of our public schools so that we can be prepared for whatever challenges our education system may face now and in the future,” ani Yamsuan.

Paraan din aniya ang paggamit ng digital technology para maisulong ang inclusivity at mabigyang access sa kalidad na edukasyon ang mga marginalized community.

Salig sa panukala bubuo ng isang Digital Technology Road Map para sa Public Schools na pagtutulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Science and Technology (DOST) at Commission on Higher Education (CHED).

Bibigyan din ng training ang mga guro at mag-aaral para mahasa ang kanilang digital skills. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us