Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pamahalaang United Arab Emirates dahil sa pagbibigay ng pardon sa 220 Pilipinong nakadetine sa naturang bansa.
Inanunsyo ang pardon noong December 26, 2024 kasabay ng pagdiriwang ng UAE sa kanilang 53rd National Day.
Ayon sa DMW, ang pagkilos na ito ay nagpapakita ng matatag at patuloy na ugnayan ng Pilipinas at UAE.
Tiniyak ng DMW na nakahanda ang Migrant Workers Office-UAE upang makipagtulungan sa Philippine Embassy para sa repatriation ng mga na-pardon na OFWs.
Nangako rin ang DMW na magbibigay ng suporta para sa maayos na reintegration ng mga ito sa tulong ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. | ulat ni Diane Lear