Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) ang tulong sa pamilya ng Pinay na Overseas Filipino Worker na namatay sa Kuwait.
Kahapon, personal na binisita ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang pamilya ng namatay na OFW na si Dafnie Nacalaban.
Nagpaabot ito ng kanyang pakikiramay at tiniyak ang suporta at tulong mula sa pamahalaan.
Ayon sa ulat, uuwi sana si Dafnie sa bansa noong Disyembre mula sa Kuwait ngunit dalawang buwan itong nawala at natagpuang patay.
Ang OFW ay nagtatrabaho doon bilang household service worker sa nasabing bansa.
Sabi pa ni Cacdac, mahigpit nang sinusubaybayan ng DMW ang mga development sa kaso kasama ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pakikipagtulungan sa Kuwaiti authorities.| ulat ni Rey Ferrer