DOH, naitala ang unang kaso ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naitala na ng Department of Health (DOH) ang unang kumpirmadong kaso ng ligaw na bala sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa ulat ng DOH, isang 19-anyos na lalaki mula Davao del Norte ang nasawi matapos tamaan ng bala habang nagsasaya sa labas ng kanilang tahanan. Sa ngayon, tatlo na ang kabuuang bilang ng mga nasawi kaugnay ng mga insidente ng paputok at ligaw na bala.

Sa pinakahuling datos ng DOH, pumalo na sa 771 ang kabuuang kaso ng firecracker-related injuries mula Disyembre 22, 2024, hanggang Enero 4, 2025. Tumaas ito ng 27.6% kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Dalawa ring kaso ng paglunok ng paputok ang naitala, kabilang ang isang 3 taong gulang at isang 2 taong gulang na bata. Nanatili namang nangunguna ang kwitis, 5-star, at boga bilang sanhi ng mga pinsala, kabilang na ang mga malulubhang sugat tulad ng amputation.

Muling pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasan ang paggamit ng paputok, lalo na ng mga menor de edad, na bumubuo ng 453 kaso o karamihan sa mga biktima.

Sa mga sugatan, agad magpagamot, at tumawag sa 911 o DOH hotline 1555 para sa mangangailangan ng tulong. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us