DOTr, kumpiyansang di masasaklawan ng election ban ang mga malalaking proyekto ng administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na hindi sila kasama sa masasaklawan ng nalalapit na election ban sa gitna ng malapit nang magsimulang pangangampanya kaugnay ng midterm elections sa Mayo 12.

Sa harap na rin ani Bautista ng mga nakalinyang malalaking proyekto ng administrasyon, at nasa ilalim ng pangangasiwa ng kanilang departmento.

Sinabi ni Bautista, na karamihan ng mga proyekto ng Department of Transportation ay long-term na pawang naumpisahan na.

Itutuloy lang aniya nila ito sa gitna ng pag-asang hindi maaapektuhan ang alinman sa kanilang nasimulan ng mga proyekto sa DOTr.

Sa 186 na flagship projects, sinabi ni Bautista na 69 ay infrastructure flagship projects na nasa ilalim ng Department of Transportation. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us