Magpapatuloy ang Department of Public Works and Highways – North Manila District Engineering Office (DPWH-NMDEO) sa kanilang drainage construction sa southbound inner lane ng A.H. Lacson Avenue, mula sa Earnshaw Street, na nagsimula 11:00 kagabi ng Enero 17 at magtatagal hanggang Enero 20, 2025.
Ang nasabing rehabilitasyon ng kalsada ay may sukat na 5 meters by 4.5 meters, na magdudulot ng partial road closure sa isang lane ng A.H. Lacson Avenue. Pinapayuhan ang mga motorista na maglaan ng dagdag na oras sa biyahe at gumamit ng mga alternatibong ruta upang maiwasan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Agad namang umanong bubuksan ang mga kalsada matapos ang konstruksiyon.
Ang proyektong ito ay bahagi pa rin ng pangako ng DPWH-NCR na mapabuti ang kaligtasan at kahusayan ng mga kalsada sa National Capital Region. | ulat ni EJ Lazaro