DSWD, muling nanawagan ng volunteer para sa patuloy na produksyon ng food packs ng mga apektado ng pag alburoto ng Mt. Kanlaon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng volunteers na tumulong sa produksyon ng family food packs (FFPs) para sa patuloy na relief operations sa Kanlaon-affected families sa Negros.

Ginawa ang panawagan ng DSWD Field Office-7 Central Visayas, na nangangasiwang resource augmentation sa mga local government unit.

Ayon kay VDRC Officer-In-Charge Jun Eso, kailangan ang tulong ng volunteers para umagapay sa produksyon ng FFPs sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Manadaue, Cebu.

Matatagpuan ang VDRC warehouse sa Wicker and Vine compound, B. Suico Street, Upper Tingub, Mandaue City na nagsisilbing main production hub ng DSWD para sa Visayas at Mindanao regions.

Target dito na makapag-produce ng hindi bababa sa 100,000 boxes ng FFPs kada araw.

Sa mga nagnanais na tumulong, maaaring makipagugnayan kay Anniebelle Diaz, at tumawag sa mobile number 0961-7211127. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us