Masaya at makulay na ipinagdiwang ang pagpasok ng 2025 sa iba’t ibang Center and Residential Care Facilities (CRCFs) ng Department of Social Welfare and Development.
Ang naturang selebrasyon ay direktiba ni DSWS Sec. Rex Gatchalian na nais matiyak na makaranas ng masayang pagsalubong ng Bagong Taon ang mga residente ng CRCFs.
Sa tulong ng mga kawani ng DSWD at mga katuwang na organisasyon, nagsalo salo ang mga ito sa Media Noche at nagkaroon din ng iba’t ibang palaro, at tradisyunal na gift giving sa mga bata at matatanda na nasa kanilang pangangalaga sa ibat ibang rehiyon.
Nagpasalamat naman ang mga benepisyaryo sa DSWD at sa lahat ng tumulong para maging makabuluhan ang pagdiriwang ng Bagong Taon sa kabila ng kanilang kasalukuyang sitwasyon.
Ayon sa DSWD, patuloy nilang isusulong ang mga ganitong mga aktibidad para magpatuloy rin ang pagkakaisa, saya, at positibong pananaw sa mga residente sa kanilang mga pasilidad. | ulat ni Merry Ann Bastasa