Naka-monitor rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office National Capital Region (NCR) sa sitwasyon ng Kapistahan ng Poong Nazareno sa lungsod ng Maynila.
Ayon sa DSWD, partikular na nagbibigay ng suporta at assistance ang Disaster Response Management Division (DRMD) at Quick Response Team (QRT) ng kagawaran.
Ito ay aktibong nakikipag-ugnayan sa Manila LGU at sa Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC).
Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, nananatiling nakahanda ang mga kawani ng kagawaran sa anumang kaganapan o insidente na maaaring maganap sa Traslacion 2025. | ulat ni Merry Ann Bastasa