Asahan pa na makakatanggap ng pinansiyal na tulong sa mga susunod na araw ang mga pamilyang naapektuhan ng pagputok ng bulkang Kanlaon sa Negros.
Pahayag ito ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, matapos tiyakin ang karagdagang pang augmentation support sa lahat ng apektadong local government units.
Aniya mahigpit ang pakikipag ugnayan ng DSWD sa mga LGU para sa anumang pangangailangan.
Nauna nang hinatiran ng food boxes ang mga LGU na tatagal hanggang 21 araw at magpapatuloy pa ito
Mula Enero 3,nakapaghatid na ng 47,044 boxes ng family food packs ang ahensya sa kanlaon affected families
Mula Disyembre may 5,000 evacuees ang nasa evacuation centers mula sa walong apektadong LGU.
Giit pa ni Gatchalian, nakahanda ang ahensya para sa anupamang tulong sakaling lumala pa ang sitwasyon sa bulkang Kanlaon. | ulat ni Rey Ferrer