Umapela sa mga deboto ng Black Nazarene ang Ecowaste Coalition na huwag magkalat ng basura sa Traslacion sa Maynila.
Ang panawagan ay ginawa ng environmental group dahil sa inaasahang dagsa ng tao sa Quirino Grandstand at Quiapo.
Ayon kay EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, nakagawian na tuwing pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno kada taon ang tambak ng basurang naiiwan sa mga kalsada.
Sa pagdiriwang aniya ng ‘Zero Waste Month” ngayong Enero, dapat lang maipatupad ang “Litter-
Free and Plastic-Free” na Traslacion.
Kasabay din nito ang paggunita ng ika-25 Anibersaryo ng Republic Act No. 9003, o ang Ecological Solid Waste Management Act.
Hinihimok ng grupo ang mga deboto na gumawa ng mga hakbang upang maiwasan at mabawasan ang dami ng basura na naiiwan sa mga lansangan.| ulat ni Rey Ferrer