Patuloy na sumasailalim sa forensic analysis ang submarine drone na narekober ng mga mangingisda sa baybayin ng San Pascual, Masbate.
Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kasalukuyang sumasailalim pa sa pagsusuri ang nai-turn over na drone sa kanila.
Kasama sa susuriin dito ang technical specification, electric component at posibleng data na naka-store sa nasabing drone.
Dagdag pa ni Trinidad, posibleng ginagamit ang naturang drone para sa academic purposes, scientific purposes, at tinitingnan din ang military implications nito.
Sinabi rin ni Trinidad, na ayaw nilang pumatol sa mga haka-haka hangga’t walang ebidensya.
Tiniyak naman ng Philippine Navy na sineseryoso nila ang insidenteng ito at sila ay “on top of the situation.” | ulat ni Diane Lear