Nangako si Finance Secretary Ralph Recto na lalo pang pagbubutihin ng gobyerno ang kanilang trabaho upang tuloy-tuloy ang pagbaba ng inflation sa bansa.
Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng natamong 3.2% na average inflation rate para sa taong 2024.
Sinabi ni Recto na dahil sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., diskarte ng pamahalaan at pinagsama-samang pagsisikap ng mga stakeholder, nagawa ng pamahalaan na ibaba ang inflation upang tuluyang makamit ang target inflation.
Aniya malaki ang naging ambag sa patuloy na pagbuti ng presyo ng bigas upang maging abot-kaya sa ating mga kababayan.
Base sa datos, nakinabang ang 30% ng mga pamilya sa pagbaba ng presyo ng bigas.
Nasa .8% ang pagbaba ng rice inflation ngayong December 2024 mula sa 5.1% noong November at 19.6% naman noong December 2023. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes