Nanawagan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na isama sa kanilang New Year’s Resolution ang pagiging responsable sa pagtatapon ng basura.
Ito’y makaraang humakot ang mga tauhan ng ahensya ng halos 30 toneladang basura na iniwan ng mga sumalubong sa Bagong Taon sa Metro Manila.
Batay sa datos na inilabas ng MMDA, aabot sa 29.16 tons o katumbas ng halos 7-truckload ng basura ang nahakot nila sa iba’t ibang panig ng Kamaynilaan sa ikalawang araw ng taon.
Nabatid na karamihan sa mga nahakot ng MMDA ay ang mga basurang nagmula sa mga ginamit na paputok gayundin ang mga paper plate at cups na ginamit naman sa Media Noche. | ulat ni Jaymark Dagala