Heightened security alert, patuloy na ipinatutupad sa MRT-3

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umiiral pa rin ang heightened security alert sa MRT-3 para sa holiday rush.

Ayon sa pamunuan ng tren, ngayong Biyernes, January 3, ang huling araw ng implementasyon ng Heightened Alert kung saan may mga naka-deploy pa ring security personnel para umagapay sa mga pasaherong nagsisibalikan sa kanilang trabaho matapos ang holiday season.

Tuloy-tuloy rin ang paglilibot ng mga K-9 units sa mga istasyon, habang mayroon ding Police Assistance Desks na maaaring lapitan para sa anumang security concern.

Samantala, simula kahapon ay regular revenue hours na ang ipinatutupad sa MRT-3 kung saan ang unang biyahe ng tren ay 4:30 am mula sa North Avenue Station at 5:05 am naman sa Taft Avenue Station.

Ang huling biyahe naman ng tren ay 9:30 pm sa North Avenue Station at 10:09 pm naman sa Taft Avenue Station. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸 DOTr-MRT3

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us