Naaresto na ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug personality na nagbebenta ng marijuana sa Baguio City.
Sa ulat ng PDEA, nahuli ang 36 na taong gulang na lalaki na taga-Bulacan sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy.
Burnham-Legarda-Kisad sa nasabing lungsod.
Nakuha sa kanya ang 10 bricks ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱75,240.00.
Nakakulong na ang drug suspect habang inihahanda ang kaso dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Rey Ferrer