Tinatayang nasa 120 na miyembro ng clergy, mga seminarista, kasama ang 70 lay leaders ang magtitipon-tipon para sa serye ng conference-workshop ukol sa mga reporma ni Pope Francis at synodal implementation bilang paghahanda sa Diocesan Synod.
Pangungunahan ng Diocese of Imus ang naturang workshop na isasagawa simula ngayong araw, January 14, February 6, at March 6 sa Sisters of Mary Girlstown-Biga campus sa Silang, Cavite.
Katuwang naman dito ang Diocese ang Love Our Pope Movement (LOPM) at Campus Ministry ng De La Salle University–Dasmariñas (Cavite).
Imbitadong panauhin din sa pagtitipon sina former COMELEC Commissioner Rene Sarmiento at comedian-actress na si Candy Pangilinan na kapwa mga convenor ng Love Our Pope Movement.
Matatandaang idineklara noong nakaraang taon ang pagdaraos sa unang Diocesan Synod 2026 na may temang” Year of Prayer and Encounter.” | ulat ni Merry Ann Bastasa