Higit 134,000 motorista, nahuli dahil sa paglabag sa Seatbelt Law noong 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 134,147 motorista ang nahuli sa buong bansa noong 2024 dahil sa paglabag sa Republic Act 8750 o Seat Belt Law.

Ayon kay Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II, resulta umano ito ng agresibong pagpapatupad ng batas ng ahensya.

Dahil sa pinaigting na kampanya, nakakolekta ang LTO ng P179.9 milyon mula sa multa ng mga lumabag.

Batay sa datos ng LTO, ang LTO-CALABARZON ang may pinakamaraming nahuling lumabag sa Seatbelt Law na may 32,485; sinundan ng LTO-Region 3 na may 10,774; at LTO-Region 6 na may 10,270.

Sa kabuuang bilang na nahuli mula Enero 1, 2024 hanggang Disyembre 31, may kabuuang 124,712 na ang nakapagbayad ng penalty, 53 ang ipinaglalaban pa rin ang paglabag habang ang iba ay hindi pa nakakapagbayad ng multa.

Nangako si Mendoza na susuportahan ang mga agresibong operasyon laban sa mga lumalabag sa Seatbelt Law bilang bahagi ng kampanya ng Stop Road Crash ng LTO. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us