Higit 99% utilization rate ng AKAP program ng DSWD, kinilala ng House Appropriations Chair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinukoy ni House Appropriations Committe Chair Elizaldy Co ang Ayuda Para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) ng DSWD bilang isang halimbawa ng programa ng pamahalaan na nagpapakita ng episyente at transparent na paggamit ng pondo ng bayan.

Kasunod ito ng report ng DSWD na sa taong 2024 ay nakapaghatid ito ng ₱5,000 na tulong pinansyal sa halos limang milyong ‘near-poor’ na pamilyang Pilipino o katumbas ng 99.31% na utilization rate ng kanilang ₱26.7 billion na budget.

“AKAP is a clear example of how government funds should be used—efficiently and without corruption,” ani Co.

Bumuwelta rin si Co sa mga kritiko ng programa. Aniya, kung ikukumpara sa kontrobersyal na confidential funds ng Office of the Vice President at DepEd, mas may naitulong naman ang AKAP lalo na para maibsan ang epekto ng inflation.

Sinabi pa ng Ako Bicol solon, habang binabatikos ng ilan ang programa, nakatuon ang AKAP sa kapakanan ng mga nangangailangan at hindi sa politika.

“Do we want confidential funds like those in Davao City, DepEd or Office of the Vice President under VP Sara Duterte which were riddled with 100% corruption, or programs like AKAP with zero corruption? Ang pinakamalalakas bumatikos ay kadalasan yung walang ginagawa para tumulong sa tao. AKAP directly addresses inflation and uplifts the lives of our countrymen, especially the near-poor,” diin niya.

Ngayong taon aniya, kung saan target muli na makapagbigay tulong sa limang milyon pang Pilipino ang AKAP, ay patuloy nilang isusulong ang transparency at accountability sa inisyatiba na ito ng pamahalaan. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us