Aabot sa P10.849 billion na halaga ng programa at serbisyo ng pamahalaan ang naibaba ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa taumbayan nitong 2024.
P4.569 billion dito ay cash assistance.
Mayroon ding 763, 811 na benepisyaryo ng AKAP at AICS program ng DSWD na napagkalooban ng kabuuang P3.682 billion na tulong pinansyal.
Umabot din sa 5.341 million na kilo ng bigas
ang naipamahagi sa pag-ikot ng regular BPSF sa labing anim na probinsya mula Enero hanggang Diayembre
Sa kabuuan, 1,949,070 na registrants ang naitala para sa taong 2024.
Kung susumahin, mula nang simulan ang BPSF noong 2023, hanggang nitong 2024, dalawaput limang probinsya na ang naikot ang pinakamalaking serbisyo caravan ng Marcos Jr. administration.
Kabuuang P13, 610, 485, 815.36 na halaga ng mga serbisyo, programa at ayuda, ang naibigay.
Ngayong unang quarter ng 2025, nakatakdang umikot ang BPSF sa 13 probinsya.
Partikular dito ang Albay, Sorsogon, Camiguin, Quezon, La Union, Tarlac, Pangasinan, Nueva Ecija, Davao Oriental, North Cotabato, Misamis Occidental, Bohol at Aklan. | ulat ni Kathleen Forbes