Desidido ang Quinta Committee ng Kamara na mai-refund sa mga consumer ang nasa P206 billion na disallowed expenses ng NGCP.
Ayon kay Quinta Comm Lead Chair Joey Salceda, 2023 pa inilabas ng Energy Regulatory Commission ang kanilang ulat tungkol sa gastos ng NGCP at panahon nang aksyunan ito.
Giit niya na kapag may sobrang singil ang distribution sector sa mga customer ay pinababalik ito.
Kaya wala aniya dapat problema kung isauli rin ng transmission sector ang kanilang sobrang singil.
Tinukoy ng ERC na mula 2016 hanggang 2020, sumobra sa pinahihintulutang annual revenue ang NGCP.
Ang naturang disallowed expenses ay ginamit sa public relations, advertising at iba pang gastusin. | ulat ni Kathleen Forbes