House Appropriations Chair, iginiit na walang kickback at hindi pork barrel ang AKAP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co na walang kick-back ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP.

Aniya, ang cash assistance program na ito ay walang bahid ng katiwalian at ang tanging layunin ay tulungan ang mga Pilipino na may trabaho ngunit nananatiling mahirap.

Sa isang panayam, kaniyang sinabi na hindi pork barrel ang AKAP dahil Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ang humahawak sa pondo at tumutukoy sa benepisyaryo.

“Itong AKAP, di yan pork barrel. This is zero percent corruption. Walang corruption [ito] dahil direct sa tao siya. Ang congressman, hindi siya ang humahawak ng pera. It’s DSWD. Ang namimili ng recipients, DSWD. Nagkakaroon yan ng corruption once na hinawakan, katulad ng confidential funds,” giit ni Co.

Nabuo aniya ang AKAP dahil na rin sa hinaing ng mga minimum-wage earner gaya ng mga food service crew at Grab drivers na hindi kwalipikado sa government social safety net program gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.

“They are the ones who work 16 hours. They are the ones who pay for PhilHealth. They are the ones who pay taxes. They are the ones who work double time, triple time, just to make [ends meet]. When they go home, they’re tired. They can’t take care of their children because they need to sleep and they need to work,” paliwanag pa niya.

Taong 2024 nang unang ipatupad ang AKAP.

Batay sa datos ng DSWD, nasa limang milyong Pilipino ang nakatanggap ng P5,000 tulong pinansyal sa ilalim ng programa.

Ngayong taon ay pinaglaanan ang AKAP ng P26 billion na pondo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us